Ang tagal ko ng tumigil na magblog. Sa wordpress ko, dito sa blogspot, sa tumblr... Marami na ang nangyari sa buhay ko na hindi ko manlang nakwento sa dalawang followers ng blog na to. Pero siguro at malamang, wala naman silang pakealam diba? Blog lang naman to. Blog Lang.
FOREVER- naniniwala pa din ako. malapit na kaming mag one year. Naeexcite na ako. Pero di ko pa naiisip kung paano ako bibili ng cake ng hindi nalalaman ng Nanay ko. Nakakathrill. Siguro pupukpukin nanaman ako ng bagay na matigas sa ulo, I'm Excited:)
11.7.10
17.6.09
ito ang forever.
Isa ako sa mga naniniwala sa forever. Marami akong kilalang naniniwala din dito. At syempre, kung merong naniniwala, meron ding hindi. Kung sabagay, may dahilan din naman sila kung bakit hindi sila naniniwala. Siguro ay dahil ito sa mga naranasan at naramdaman nila sa buhay. Sa bawat ikot ng mundo, iba-iba ang nararanasan ng tao. May nasasaktan, may nakukumpleto, may sumasaya, at may nalulungkot. Ngunit lahat ng kwento ay natatapos din katulad ng isang libro. Isasara. Pero bago matapos ang isang buong kwento, maraming mangyayari.
Hindi ako umaasa sa forever dahil alam kong hindi naman habangbuhay nasa mundo ako. Alam kong matatapos din ang buhay ko dahil hindi naman ako immortal. Naniniwala ako sa forever kasi alam kong merong naghihintay na katotohanan sa buhay na kahit na mamatay ako, mananatili sa alaala ko. At kahit na bata pa ako ngayon, naniniwala akong balang araw, magpapakita sa akin ang tunay na forever...
At makikilala ko siya. ΓΌ
Subscribe to:
Comments (Atom)