Isa ako sa mga naniniwala sa forever. Marami akong kilalang naniniwala din dito. At syempre, kung merong naniniwala, meron ding hindi. Kung sabagay, may dahilan din naman sila kung bakit hindi sila naniniwala. Siguro ay dahil ito sa mga naranasan at naramdaman nila sa buhay. Sa bawat ikot ng mundo, iba-iba ang nararanasan ng tao. May nasasaktan, may nakukumpleto, may sumasaya, at may nalulungkot. Ngunit lahat ng kwento ay natatapos din katulad ng isang libro. Isasara. Pero bago matapos ang isang buong kwento, maraming mangyayari.
Hindi ako umaasa sa forever dahil alam kong hindi naman habangbuhay nasa mundo ako. Alam kong matatapos din ang buhay ko dahil hindi naman ako immortal. Naniniwala ako sa forever kasi alam kong merong naghihintay na katotohanan sa buhay na kahit na mamatay ako, mananatili sa alaala ko. At kahit na bata pa ako ngayon, naniniwala akong balang araw, magpapakita sa akin ang tunay na forever...
At makikilala ko siya. ΓΌ